^

PM Sports

NBA kinokonsiderang palitan ang finals format

Pang-masa

NEW YORK -- Posibleng bumalik ang NBA Finals sa 2-2-1-1-1 format.



Lubos na nagkaisa ang  Competition Committee ng NBA na irekomenda na palitan ang kasalukuyang 2-3-2 system at pagbobotohan ito ng mga owners sa susunod na buwan sa kanilang pagpupulong.

“The idea was raised at the Competition Committee and was well-received and the committee ultimately unanimously voted to recommend the change in format,’’ sabi ni NBA spokesman Tim Frank nitong Linggo.

Kung maaprubahan, hindi pa napapagdesisyunan kung ang format ay babaguhin simula sa 2014 finals.



Ang boto ng Competition Committee ay unang iniulat sa Boston Herald.



Pinalitan ang format noong 1985 sa rekomendasyon ni Commissioner David Stern na may impluwensiya ni dating Celtics boss Red Auerbach para mabawasan ang cross-country trips sa pagitan ng Boston at Los Angeles.



Ayon sa mga kritiko, nagbibigay ito ng home-court advantage sa lower-seeded team sa Game 5, na karaniwang pivotal game sa best-of-seven series.



Noong nakaraang season, ang Miami Heat ay naging ikaapat na team na naghabol mula sa 2-3 matapos ipanalo ang huling dalawang laro sa serye sa kanilang homecourt.

Ang lahat ng ibang rounds sa NBA playoffs ay ginagamitan ng 2-2-1-1-1 format.

 

AYON

BOSTON HERALD

COMMISSIONER DAVID STERN

COMPETITION COMMITTEE

LOS ANGELES

MIAMI HEAT

RED AUERBACH

TIM FRANK

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with