^

PM Sports

FIBA-World slam dunk champion Kobe Paras sa PSA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Panauhin ang bagong world slam dunk champion na si Kobe Paras  kasama si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios sa  sesyon ngayon ng lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Ito ang unang public appearance ni Paras, anak ng dating PBA 1989 MVP at Rookie of the Year na si Benjie Paras, matapos manalo sa side event ng U-18 Fiba-World 3x3 Championships para isalaysay ang kanyang karanasan sa torneo na ginanap sa Jakarta.

Tinabunan ni Paras ang nakakadismayang pagka-talo ng Phl Team sa 3-on-3 nang kanyang pahangain ang crowd at mga judges sa paglundag kay  Thirdy Ravena habang nakasakay sa motor para sa isang eksplosibong dunk.

Tinalo ni Paras ang high-leaping na si Demonte Flannigan ng US, mas mataas na si Antonio Morales ng Spain at Sun Ming Hui ng China.

Inaasahang tatalakayin ni Barrios ang mga bagay ukol sa  major basketball -tulad ng partisipasyon ng bansa sa Southeast Asian Games, ang pag-angat ng Pinas sa pinakahuling Fiba rankings at iba pa.

Panauhin din sa forum na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at handog ng Shakey’s at Philippine Amusements and Gaming Corporation sina undefeated boxers Genesis Servania at King Arthur Villanueva kasama ang mga officials at coaches ng National Collegiate Basketball League.

Sina Servania at Villa-nueva ay magsasalita ukol sa Pinoy Pride, habang sina NCBL director of athletes Toti Andes at mga coaches ng TIP, Trinity at PUP ang magbabalita ng nalalapit na finals ng liga at All-Star festivities.

 

ANTONIO MORALES

BENJIE PARAS

DEMONTE FLANNIGAN

GENESIS SERVANIA

KING ARTHUR VILLANUEVA

KOBE PARAS

NATIONAL COLLEGIATE BASKETBALL LEAGUE

PANAUHIN

PHILIPPINE AMUSEMENTS AND GAMING CORPORATION

PHL TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with