Phl team sasabak sa FIBA-Asia U16 meet
MANILA, Philippines - Umalis na ang Phi-lippine Under-16 team noong Lunes patungong Iran para sumabak sa FIBA-Asia U16 Championships na magsisimula ngayon sa Tehran.
Makakatapat ng mga Pinoy ang Kazakhstan at Chinese Taipei sa Group D at awtomatikong pasok na sila sa second round katulad ng India, Japan at Jordan sa Group C dahil tigatlong teams lang ang sumali sa kani-kanilang grupo habang ang ibang grupo ay may tig-4-teams.
Ang Group A ay kinabibilangan ng reigning back-to-back cham-pion China, Bahrain, Hong Kong at Syria habang ang Group B ay binubuo ng Iran, Korea, Malaysia at Thailand.
“We’re going there to do battle and make the country proud,†ani coach Jamike Jarin bago umalis ang team.
Ang koponan ay binubuo nina Mike at Matt Nieto at Jolo Mendoza ng Ateneo, Carlo Abadeza at Mike dela Cruz ng La Salle-Greenhills, Ri-chard Escoto ng Far Eastern U, Paul Desiderio ng UP, Diego Dario UPIS, Enzo Navarro ng San Sebastian, Arnie Padilla ng Sacred Heart of Cebu, Mikel Panlilio ng Beacon at Jolo Go ng Hope.
Naka-bye ang mga Pinoy sa first day at sasabak sa alas-12:00 (Manila time) ng gabi sa Huwebes, bago harapin ang Taipei sa Biyernes.
- Latest