^

PM Sports

Running partners nanguna sa Cebu Milo Marathon

Pang-masa

CEBU CITY, Philippines – Nagbunga ang pagsisikap nina John Philip Duenas at Mary Joy Tabal matapos pa-ngunahan ang 21K Milo Marathon elimination leg dito kahapon.

Pinakawalan ang karera sa ganap na alas-4:30 ng umaga sa Cebu City Sports Center kung saan 24,067 runners na isang bagong record, ang nakibahagi.

Agad kumawala sina Duenas at Tabal, sabay na nagsanay at magkasama sa pag-aaral. Walang nakasabay sa dalawa upang dominahin ang karera.

Ito ang unang regional title ng 26-gulang na si Duenas na tinapos ang karera sa loob ng isang oras, 15 minuto at 24 segundo habang ito ang ikalawang Cebu title ni Tabal sa tiyempong 1:24.50.

Pumangalawa kay Duenas si Bonifacio Monjas (1:16.32) kasunod sina Argie Trillor (1:19.57), Paul James Zafico (1:22.10), Ian Refuela (1:23.18) at Jboy Magbologtong (1:25.28).

Mas malayo ang distansiya ni Tabal sa pumanga-lawa sa kanyang si  Christy Sevillano na tumawid sa finish line sa tiyempong 1:40.48 kasunod sina Sandra Soliano (1:43.21), Viginia Parajenog (1:45.29) at Rhodora Oporto (1:46.23).

“Nang makita ko na walang makasabay sa akin, hindi na ako lumingon pa at sumabay na ako sa grupo ng mga nangungunang lalaki,” sabi ni  Tabal, na nagtala ng oras na pang-sixth place sa men’s side.

Sina Duenas at Tabal, parehong may master’s degree sa Public Administration mula sa Southwestern University, ay makakasama sa National Finals sa Dec. 8 sa Manila. Madalas tuksuhin ang dalawa kung may namamagitan sa kanilang dalawa.

 

ARGIE TRILLOR

BONIFACIO MONJAS

CEBU CITY SPORTS CENTER

CHRISTY SEVILLANO

IAN REFUELA

JBOY MAGBOLOGTONG

JOHN PHILIP DUENAS

MARY JOY TABAL

MILO MARATHON

TABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with