^

PM Sports

Pacquiao-Mayweather fight gustong mapanood ng mga fans

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi maitatanggi na gus­to pa ring mapano­od ng mga boxing fans ang banggaan nina Manny Pac­quiao at Floyd May­wea­ther, Jr.

Sa isinagawang online poll ng Sports Nation ng ESPN, lumabas sa inisyal na 40,000 boto na halos 58 porsiyento nito ay nais ma­tunghayan ang Pacquiao-Mayweather mega show­down sa 2014.

Ang tanong sa mga on­line voters ay kung sino ang gusto nilang labanan ng 36-anyos na si May­we­a­ther matapos nitong ta­lu­nin ang 23-anyos na si Ca­­nelo Alvarez via unanimous decision noong nakaraang Linggo.

Nauna nang sinabi ni Mayweather na plano pa ni­yang lumaban ng dalawang beses sa susunod na taon, ngunit wala sa kanyang listahan si Pacquiao.

Tatlong beses bumagsak ang negosasyon para sa laban nina Pacquiao at Mayweather mula sa isyu ng hatian sa prize money, pag­sailalim sa isang random drug at blood testing.

Kumpara kay May­wea­ther (45-0-0, 26 KOs) na hindi pa rin nakakatikim ng isang kabiguan sa kan­yang career, dalawang be­ses namang natalo si Pac­quiao (54-5-2, 38 KOs) noong nakaraang ta­­on.

Sa kanyang panalo kay Alvarez ay nagtala si May­­weather ng record na $41.5 milyong premyo.

Tatanggap naman ang Filipino world eight-di­vision champion na si Pac­quiao ng guaranteed prize na $18 milyon sa kan­yang pagharap kay Bran­don ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24 sa Macau, China.

 

vuukle comment

ALVAREZ

BAM BAM

FLOYD MAY

KUMPARA

MANNY PAC

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

SPORTS NATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with