^

PM Sports

Power Pinays muling nanalo sa Asian Volleyball

Pang-masa

NAKHON RATCHA­SIMA, Thailand – Matapos talunin ang Sri Lanka noong Lunes ay giniba na­man ng Philippine team ang Myanmar, 25-18, 25-22, 25-18, para sa ka­nilang ikalawang sunod na panalo sa 17th Asian Wo­men’s Volleyball Cham­pionship sa MCC Hall of the Mall.

Naglista si Honey Royse-Tubino ng 12 points para pangunahan ang Power Pinays.

Ang tagumpay ang nag­palakas sa pag-asa ng mga Filipina na pumu­wes­to sa ika-9 hanggang ika-12 posisyon sa classi­fi­cation phase.

Nagdagdag naman si Ai­za Maizo-Pontillas ng 11 points at may siyam na­man si Analyn Joy Be­nito para sa Philippine team.

“Sobrang saya,” sabi ni team captain Angeli Ta­baquero matapos ang la­ro. “Ang isang pa­nalo ay  achievement na da­hil ba­go kami. Eh, na­ka­da­lawa pa, tapos three sets pa. Happy fiesta!”

Si Tabaquero ang siyang umiskor ng game-clin­ching shot.

Lumayo ang Fi­lipina spikers mula sa 15-15 pag­kakatabla nang umiskor ng 10 puntos kumpara sa tatlo ng Myanmar.

“Ang taas nu’ng pressure nu’ng una. Pero kami trabaho lang,” wika ni head coach Nestor Pamillar. “Ang tanging pananagutan namin ay magdala ng karangalan sa bansa.” 

Pinuri ni vo­ley­ball of­fi­cial Doc Ian Lau­rel ang tagumpay ng Po­wer Pi­nays, nabigong ma­nalo sa preliminaries.

“These girls may not be the strongest, but they certainly have the biggest heart to fight for our country’s pride,” wika ni Lau­rel.

Naniniwala naman si Myanmar coach Banteng Kaopoing na kaya pang mag­­laro ng mas maganda ang mga Filipina spikers.

“With good program, they will be strong again in Asia,” sabi ni Kao­poing na isang Thai national sa mga Filipina spikers. “I think the Philippine team is very strong. All they have to do is keep joining in­ternational leagues for experience and they will be big.”

ANALYN JOY BE

ANGELI TA

ASIAN WO

BANTENG KAOPOING

DOC IAN LAU

FILIPINA

HALL OF THE MALL

MYANMAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with