PhilHealth nakopo ang huling twice-to-beat advantage
TEAM W L
PNP 6 0
Judiciary 4 2
AFP 4 2
PhilHealth 3 3
MMDA 2 4
Congress-LGU 2 4
DOJ 0 6
Laro SA LINGGO
(Treston College Gym,
The Fort, Taguig)
4:00 p.m. – AFP
vs Congress/LGU
5:30 p.m. – PhilHealth
vs MMDA
MANILA, Philippines - Inangkin ng PhilHealth ang ikalawa at huling twice-to-beat advantage sa quarterfinals matapos padapain ang Metro Manila Development Authority (MMDA), 77-71 sa pagtatapos ng 1st UNTV Cup elimination noong Linggo sa Treston College Gym sa The Fort, Taguig City.
Kumulekta si Alex Noriega ng 23 puntos, 18 rebounds, 5 blocks at 3 steals habang naghatid ng siyam sa kanyang 13 sa laro si Richard Dominic Hernandez sa huling yugto na dinomina ng PhilHealth para wakasan ang kampanya sa elims bitb
it ang 3-3 baraha.
Tumapos ang koponan sa ikaapat na puwesto at makakasama ang puma-ngatlong Armed Forces of the Philippines (AFP) na may twice-to-beat advantage sa cross-over quarterfinals na gagawin sa dara-ting na Linggo.
Nagtulung-tulong sina Ronaldo Abaya, Olan Omiping at Jay Misola sa pagtipak ng 48 puntos para makumpleto ng Philippine National Police (PNP) ang 6-0 sweep sa elims bitbit ang 95-84 panalo sa Congress-LGU.
Ang PNP at puma-ngalawang Judiciary (4-2) ay umabante na sa semifinals at may tangan na twice-to-beat advantage sa mga makakalaban.
Ang pagkatalo ng Congress-LGU ay nagresulta para magtabla sila ng MMDA sa 2-4 baraha pero ang huli ang kumuha sa ikalimang puwesto dahil tinalo nila ang tropang hawak ni playing coach Gerry Esplana.
Makakatapat ng AFP ang Congress-LGU habang ang PhilHealth ang makakasukatan ng MMDA sa quarterfinals.
- Latest