^

PM Sports

May pag-asa pa ang Globalport sa quarterfinal slot

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines -Bumangon ang Globalport mula sa isang 20-point deficit sa se-cond period para resbakan ang Meralco, 91-79 at wakasan ang kanilang tatlong sunod na kamalasan sa 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sumandig ang Batang Pier kina import Markeith Cummings, Gary David at Sol Mercado para tapusin ang three-game winning streak ng Bolts at makasilip ng tsansa sa isang quarterfinals seat.

“We tightened up on defense, especially on Mario West. He’s a tough import and very hard to guard,” wika ni coach Junel Baculi. “I admire this team. Right now they’re willing to listen, to accept the challenge. I hope we can gatecrash sa quarterfinals.”

Umiskor si Cummings ng game-high na 32 points kasunod ang 21 ni David, 15 ni Mercado at 10 ni Jay Washington.

Nagtuwang sina West, Reynel Hugnatan, John Wilson at Cliff Hodge upang iposte ang isang 20-point advantage, 40-20, laban sa Globalport, 5:43 minuto pa sa second quarter patungo sa kanilang 44-28 kalamangan sa first half. Nag-init naman si David sa third quarter nang magpasabog ng 14 points, tampok dito ang 3-of-3 shooting sa three-point range, para idikit ang Batang Pier sa pagtatapos nito, 60-63.

Binuksan ni Cummings ang final canto sa galing sa kanyang 3-point shot kasunod ang basket ni rookie center Yousef Taha para sa 65-63 bentahe ng Globalport.

Huling nakamit ng Meralco ang unahan sa 69-67 buhat sa basket ni Wilson sa huling walong minuto.

Matapos ito, isang 10-1 atake ang ginawa nina Cummings, David at Mercado para sa 77-70 abante ng Batang Pier patungo sa pagtatayo ng 10-point advantage, 85-75 sa huling 1:21 ng laro.

 

BATANG PIER

CLIFF HODGE

GARY DAVID

GLOBALPORT

JAY WASHINGTON

JOHN WILSON

JUNEL BACULI

MARIO WEST

MARKEITH CUMMINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with