^

PM Sports

AIBA Junior World Boxing C’ships Plania wagi, Daming bigo

Pang-masa

KIEV, Ukraine – Nakausad si  Michael Angelo Plania sa susunod na round habang bigo ang isa pang pambatong Pinoy pug  na si Jason Daming sa pagsisimula ng 2013 AIBA Junior World Boxing Cham-pionships sa lungsod na ito noong Linggo.

Ginulantang ni Plania (54kgs, bantamweight) ang mas mataas na kalabang si Joto Taboshvili ng Georgia sa unanimous decision habang yumukod naman si Daming (46kgs, pinweight) ng Cagayan de Oro sa mas matangkad ding kalaban mula sa Korea na si Kim Bi.

Inatake ni Plania ang depensa ng Georgian na nagtangkang mag-counter ngunit nabigo sa mabibilis na jabs at overhead shots ng General Santos native. Ilang beses na nakitang nahirapan ang Georgian na suportado ng crowd, sa walang tigil na pag-atake ng Pinoy pug.

Ang  tournament na isinasagawa kada-ikalawang taon sapul noong  2001, ay kinatatampukan ng 51 boxers mula sa 56 bansa na may  edad 15-16 gulang.

Dati itong kilalang AIBA Cadet World Championships na may 13 weight categories na pinaglalabanan mula 46 kg (101 lbs) hanggang 80+kg (over 176 lbs.).

Masisilayan  ngayon si Hipolito Banal Jr. ng Cebu, ang nakababatang kapatid ni  professional boxer AJ Banal, kontra kay Eljan Gafarli ng Azerbaijan sa 48 kg light flyweight match.  Ang ikaapat na pambato ng Phl team ay si Paul Gilbert Galagnao ng Cagayan de Oro ay sasabak nitong Miyerkules kontra kay  Hungarian Istvan Szaka.

 

vuukle comment

CADET WORLD CHAMPIONSHIPS

ELJAN GAFARLI

GENERAL SANTOS

HIPOLITO BANAL JR.

HUNGARIAN ISTVAN SZAKA

JASON DAMING

JOTO TABOSHVILI

JUNIOR WORLD BOXING CHAM

KIM BI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with