Barako bumawi sa globalport
MANILA, Philippines - Sa likod ng pinagsamang 24 points nina import Michael Singletary at Danny Seigle, nakabangon ang Barako Bull mula sa isang 18-point deficit sa third period para resbakan ang Globalport, 98-97, sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Humugot si Singletary ng 14 sa kanyang game-high 43 points sa final canto, habang iniskor ni Seigle ang lahat ng kanyang 10 markers sa nasabing yugto para sa Energy.
Nalasap ng Batang Pier ang kanilang pangatlong sunod na kamalasan sa kabila ng ginawang 40 markers ni reinforcement Markeith Cummings.
Matapos kunin ang 55-43 abante sa first half ay pinalobo ng Globalport ang kanilang kalamangan sa 18 points, 75-57, sa 5:16-minuto ng third period mula kina Cummings, Jay Washington at Yousef Taha bago nakatabla ang Barako Bull sa 85-85 sa ilalim ng huling anim na minuto sa fourth quarter galing kina Singletary at Seigle.
Huling nakuha ng Batang Pier ang unahan sa 94-91 mula sa jumper ni Cummings kasunod ang dalawang free throws ni Singletary at isang three-point shot ni Mark Macapagal para sa 96-94 abante ng Energy sa 1:55 ng laro.
Matapos ang split ni Sol Mercado para sa 95-96 agwat ng Globalport sa 1:34 nito, nagsalpak naman si rookie guard Emman Monfort ng dalawang free throws para sa 98-95 bentahe ng Barako Bull sa huling 43.6 segundo.
“We were just lucky. I hope with this win we will make it in the quarters,†wika ni active consultant Raj-ko Toroman sa Energy.
Nagdagdag naman si Mercado ng 16 points para sa Batang Pier kasunod ang 11 ni Gary David.
Naglalaban pa ang Barangay Ginebra at ang San Mig Coffee habang isinusulat ang balitang ito ito.
Samantala inaasahan namang makikita sa aksyon sa kanyang pagbabalik sa PBA si 6-foot-10 Fil-Tongan Asi Taulava para sa Air21 sa pagsagupa sa Talk ‘N Text sa Setyembre 13 sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ang Express ang ikaapat na PBA team na lalaruan ng 2013 PBA MVP awardee matapos ang Tropang Texters, Coca-Cola Tigers at Meralco Bolts.
“Welcome brader “The Rock†mr. Lava Lava,†sabi ni Nino ‘KG’ Canaleta sa kanyang Twitter account hinggil sa pagsasama nila ni Taulava sa Air21.
- Latest