USC nagdomina sa 26th MILO Little Olympics
MANILA, Philippines - Inangkin ng UniversiÂty of San Carlos-Basic EduÂcation Department ang mga titulo sa elemenÂtaÂry at secondary divisions ng 26th MILO Little Olympics Visayas Leg na natapos noong Linggo sa Cebu City Sports Center.
Halos 6,000 student-athletes mula sa 280 schools sa Visayas region ang sumabak sa 11 Olympic sports.
Kasama dito ang athÂleÂtics, badminton, basketÂball, chess, football, gymÂnastics, lawn tennis, swimÂming, table tennis, taekÂwondo at volleyball buÂkod pa sa dalawang non-Olympic sports na siÂpa o sepak takraw at scrabÂble.
Naglista ang USC ng kaÂbuuang 245.25 points sa elementary division at 227 points sa secondaÂry division.
Ang Junior Warriors ang kakatawan sa Team ViÂÂsayas sa National Finals.
- Latest