Barako bull kumamada
MANILA, Philippines - Kinuha ng Barako Bull ang kanilang ikalaÂwang sunod na panalo maÂtapos igupo ang Air21, 103-94, sa elimination round ng 2013 PBA GoÂvernor’s Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagposte si import MiÂchael Singletary ng game-high na 41 points para banÂderahan ang taÂgumÂpay ng Energy, nauna nang natalo sa Talk ‘N Text Tropang Texters sa overÂtime, 113-118, noong Agosto 16 bago lusutan ang Meralco Bolts, 90-89, noÂong Agosto 18.
Nag-ambag sina DanÂny Seigle at Ronjay BueÂnafe ng tig-18 markers kasunod ang 12 ni pointguard Eman Monfort, tamÂpok dito ang isang three-point shot sa huling tatÂlong minuto ng fourth quarter na siyang sumelyo sa kanilang panalo.
“It’s a big win for us,†saÂbi ni Barako Bull SerÂbian coach Rajko Toroman. “We played good basÂketball in the first half but the game is not over.â€
Umiskor ang balik-imÂport na si Zach Graham ng 34 points para sa Express.
Matapos kunin ng EÂnergy ang isang 12-point lead, 83-71, sa third period ay nakalapit ang Express sa 92-94 agwat sa huling apat na minuto sa fourth quarter mula sa isang tres ni Canaleta.
Isang maikling 7-2 ataÂke ang inilunsad nina Singletary, Monfort at Chris Jensen ng Energy paÂra muling iwanan ang ExÂpress sa 101-93 sa huÂling 1:16.
- Latest