PRCI, Metro Turf, nagkansela ng karera
MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na malawakang pagbaha dulot ng ulang habagat na hinihila ng bagyong Ma-ring ay nagdesisyon ang dalawang racing clubs na na kanselahin ang mga karerang dapat na isinagawa noong Lunes at Martes ng gabi.
Ang Metro Turf Club sa Malvar, Batangas ang dapat na nagbukas ng isang linggong pista ngunit kinailangan nilang kanselahin ang programa noong Lunes dulot ng masungit na panahon at ang pagbaha sa SLEX.
“Sa mga mahal naming bayang karerista. Dahil po sa masamang panahon dala ng bagyong Maring na nagdulot ng pabaha sa mga daan patungong Metro Turf race track partikular sa SLEX, nakapagdesisyon po ang Metro Turf Management na ikansela ang karera sa araw na ito (Lunes). Ipagpaumanhin nyo po. Ingat po tayong lahat. Maraming salamat,†wika ng kalatas mula sa Metro Turf.
Patuloy ang pagsama ng panahon noong Martes at ang Philippine Racing Club Inc. (PRCI) na namamahala sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite aynagdesisyon na isan-tabi mula ang walong karerang inihanda.
Ito ang unang pagkakataon sa taong ito na kinansela ang karera dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.
Samantala, kasama sa mga kabayong kuminang sa isinelebrang 5th Mayor Ramon Bagatsting Memorial Cup noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite ang Be Humble at Balbonic nang dominahin ang PCSO-Bagatsing Cup Colts (Division I) at Fillies (Division II).
Ibinalik uli kay Jeff Zarate ang pagdiskarte sa Be Humble at nahigitan ng tambalan ang pangalawang puwestong pagtatapos sa 3YO Colt race sa nasabing race track noong Abril 14 matapos pagharian ang 1,500-metro distansyang karera.
Pinangatawanan ng Be Humble ang pagiging isa sa paborito sa karerang nilahukan ng pitong kabayo matapos talunin ang mas napaborang Hot And Spicy.
Ang Hot And Spicy na dating dinidiskartehan ni Zarate at ipinagabay ngayon kay Mark Alvarez, ang unang lumamang habang nakabuntot ang Be Humble bago sumunod ang coupled entries at third choice na Big Boy Vito at Senor Vito.
Sa tres octavo kumawala ang Be Humble at pagpasok sa rekta ay tuluyang iniwan ang Hot And Spicy na nalagay sa ikalawang puwesto halos limang dipa ang agwat sa meta. Ang Mistah pa ang pumangatlo nahil naubos ang coupled entries.
Si Val Dilema ang sakay ng Balbonic na second choice sa pitong naglaban at nailabas ng hinete ang nakatagong reserbang lakas ng kabayo
- Latest