^

PM Sports

So sibak sa World Chess Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuntento sa draw si Grandmaster Wesley So matapos ang isang 23-move ng Marshall Attack sa Ruy Lopez Opening na naging dahilan ng kanyang kabiguan sa second round laban kay Russian GM Evgeny Tomashevsky, .5-1.5 at pagkakasibak sa World Chess Cup sa Tromso, Norway noong Huwebes ng gabi.

Desperadong maka-bawi matapos ang isang 51-move pagkatalo sa isang Gruenfeld duel sa una nilang pagtatagpo, sinubukan ni So ang lahat ng paraan para manalo.

Ngunit sa halip ay isinuko niya ang isang rook kapalit ng bishop at dalawang pawn na nagbukas sa kanyang depensa sa gitna at sinamantala ito ni Tomashevsky.

Nakipagkasundo ang 19-anyos na si So sa isang draw sa 26-anyos na si Tomashevsky sa 23rd move.

Nabigo si So, ang Universiade gold medalist, na mahigitan ang kanyang second round finish sa torneo noong 2011 nang matalo sa tiebreaker kay Russian Sergey Karjakin.

DESPERADONG

EVGENY TOMASHEVSKY

GRANDMASTER WESLEY SO

GRUENFELD

HUWEBES

MARSHALL ATTACK

RUSSIAN SERGEY KARJAKIN

RUY LOPEZ OPENING

TOMASHEVSKY

WORLD CHESS CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with