Lalabanan ang mananalo sa Phl-Korea game: Unang finals seat inangkin ng Iran
LARO NGAYON
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
12 n.n. Jordan vs Kazakhstan/Qatar (7-8th place)
2:45 p.m. China vs Kazakhstan/Qatar (5-6th place)
5 p.m. Chinese-Taipei vs Phl/Korea (3rd-4th)
7 p.m. Iran vs Phl/Korea (championship)
MANILA, Philippines - Dumiretso sa finals ang two-time champions Iran matapos ilampaso ang Chinese-Taipei, 79-60, sa kanilang semifinals duel sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kinuha ng Iran ang una sa tatlong tiket para sa 2014 FIBA World sa Madrid, Spain.
Lalabanan ng Iran sa finals ngayong alas-7 ng gabi ang maÂnanalo sa pagitan ng GiÂlas Pilipinas at Korea na naglalaro pa haÂbang isinusulat ito.
Binanderahan ni point guard Mahdi Kamrany ang ratsada ng Iranians sa second quarter matapos iwaÂnan ng Taiwanese sa first quarter, 23-14, mula sa kanilang 10-of-15 fieldgoal shooting.
Sinindihan ni Kamrani, ang isang 17-0 bomba paÂra maagaw ang 41-35 halftime lead.
“Three things were important. No fastbreaks, no easy points, and control the boards,†sabi ni Iran head coach Mehmed Becirovic. “We didn’t start the game good but we found the energy to win the game.â€
Binuksan nina Kamrani at Oshin Sahakian ang third period sa likod ng isang 8-0 atake para iposte ang isang 10-point lead, 45-35.
Umiskor ang Iranians ng 29 points sa kabuuan ng nasabing yugto. (Russell Cadayona)
Iran 79 - Kamrany 19, Hadadi 17, Sahakian 13, Afagh 10, Kardoust 8, Nikkah Bahrami 8, Jamshidijafarabadi 2, Davoudichegani 2, Davari 0, Arghavan 0, Sohrabnejad 0, Veisi 0.
Chinese-Taipei 60 - Davis III 16, Chen 11, Tsai 6, Tseng 6, Hung 5, Lu 5, Tien 4, Lin 3, Yang 2, Creighton 2, Lee 0, Chou 0.
Quarterscores: 14-23; 41-35; 60-39; 79-60.
- Latest