Beasley inaresto dahil sa marijuana?
SCOTTSDALE, Ariz. -- Inaresto si forward Michael Beasley, nauna nang nangako na ibinaon na niya sa limot ang kanyang problema sa paggamit ng marijuana nang lumipat sa Phoenix Suns noong nakaraang taon, ng Scottsdale police matapos siyang mahulihan ng marijuana sa kanyang kotse.
Si Beasley ay hinuli noong Martes sa isang traffic stop, ayon kay Officer David Pubins.
Nakita ng isang police officer ang tatlong piraso ng sigarilyo na naglalaman ng marijuana sa loob ng Mercedes Benz ni Beasley. Naamoy ang marijuana sa kotse ni Beasley sa traffic stop, wika ni Pubins.
- Latest


















