^

PM Sports

Hindi mapigilan ang Lady Tamaraws

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi napigil ang pananalasa ng FEU Lady Tamaraws sa first round at ito ay dahil na rin sa dominanteng paglalaro ni Camille Sambile.

May 7-0 karta ang koponan para umangat sa 25-game ang kanilang winning streak at si Sambile ay naghahatid ng na-ngungunang 19-7 puntos at 4.6 steals bukod pa sa 11.4 rebounds. Nagbibigay pa ng 1.9 assists at 1.4 blocks, si Sambile ay nakalikom na ng nangu-ngunang 89.2857 total statistical points (TSP) mula sa 520 statistical points (SP) at 105 bonus points.

Malayong nasa ikalawang puwesto si Afril Bernardino ng National University sa 67.00 TSP mula sa 379 SP at 90 bonus points para tulungan ang koponan sa pumapa-ngalawang 6-1 baraha.

May 12.4 puntos, 11.6 rebounds, 2 teals at 1.9 blocks averages si Bernardino.

Nasa ikatlong puwesto si UST center Maika Cortez sa 65.4286 TSP na sinundan nina Ara Abaca ng La Salle sa 62.2857 at National youth player Danica Jose ng Ateneo taglay ang 60.7143 TSP.

Naghahatid si Cortez  ng 13.7 puntos, 13.9 rebounds at 1.3 blocks at ang Lady Tigresses ay may 3-4 baraha habang si Abaca ay may double-double na 13 puntos at 10.9 rebounds para sa Lady Archers na nasa ikatlong puwesto sa 5-2 karta.

AFRIL BERNARDINO

ARA ABACA

CAMILLE SAMBILE

DANICA JOSE

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY TAMARAWS

LADY TIGRESSES

MAIKA CORTEZ

NATIONAL UNIVERSITY

SAMBILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with