Huling FIBA-Asia na ni Wang Zhizhi
MANILA, Philippines - Pisibleng ito na ang huling pagkakataon na lalaro ang dating NBA player na si Wang Zhizhi ng China sa FIBA-Asia Championships kaya’t nais ng 7-foot player na maging memorable ito para sa kanya.
Sa kanyang unang aksiyon sa Mall –of Asia Arena kamakalawa kontra sa South Korea, nababad ito sa bench matapos umiskor ng apat na puntos at may isang turnover sa kanilang 63-59 pagkatalo.
Kahapon, ang dating NBA player na lumaro sa Dallas Mavericks, Los Angeles Clippers at Miami Heat mula 2001 hanggang 2005 ay lumaro ng 18 mi-nutes at nagtala ng 17 points, three rebounds, five assists at isang block block sa kanilang panalo kontra sa demoralisadong Malaysia.
Kontento Ang 36-gulang na Chinese player sa kanyang inilaro ngunit umaasa siyang mas maganda pa ang kanyang ipapaki-ta sa mga susunod na laro.
“This is my last. I hope to play good games here,†sabi ni Wang na kailangang magpakita ng maganda ngayong gabi sa pagharap ng China kontra sa Iran.
Ang Iranians na kampeon noong 2007 at 2009 edition ang tanging team na mas malalaki kumpara sa China.
- Latest