Ateneo panalo sa Sto. Tomas
MANILA, Philippines - Hindi tumiklop ang AteÂneo sa pagbangon na ginawa ng UST para sa 61-57 panalo sa 76th UAAP men’s basketball tourÂnament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Si Kiefer Ravena ay may 13 puntos at 8 rebounds at ang kanyang split ang siyang sa kauna-unahang back-to-back wins ng five-time chamÂpions ngayong season.
Malakas na panimula ang ginawa ng tropa ni rookie coach Bo Perasol maÂtapos hawakan ang 21-6 bentahe sa first period.
Nakalapit ang Tigers nang isalpak ni Clark Bautista ang isang tres sa huing 29.2 segundo para sa kanilang 57-59 agwat.
Sa unang laro, tinalo naÂÂman ng UE ang UP, 62-57.
Si Roi Sumang ay may apat na free throws matapos ang 57-57 tabla para mahawakan ng Red Warriors ang ikatlong sunod na panalo.
Nakatulong din sa taÂgumpay ang depensa na nagÂresulta sa eight-second violation ni Henry Asilum at stepping violation ni Jason Ligad upang manatiÂling bokya ang baraha ng Maroons matapos ang piÂtong laro.
Si Charles Mammie ay may 17 puntos at 22 reÂbounds, habang 10 ang ibiÂnigay ni Sumang para piÂgilan din ng Warriors na maulit ang 62-48 pagkatalo sa Maroons sa first round sa 75th season.
- Latest