^

PM Sports

Petron, Cagayan asam ang semifinals berth

ATan - Pang-masa

Laro NGAYON

(Philsports Arena)

2 p.m. -- Petron vs PCSO Bingo Milyonaryo

4 p.m. -- Cagayan Valley vs PLDT-MyDSL

 

 

MANILA, Philippines - Pangangatawanan ang pagiging seeded teams ang hanap ng Petron at Ca­gayan Valley sa knock­out quarterfinals ng Phi­lip­pine Super Liga Invita­tionals ngayong hapon sa Phil­sports Arena sa Pasig Ci­ty.

Unang sasalang ang Pe­tron laban sa PCSO Bingo Milyonaryo sa ganap na alas-2 ng hapon ba­­go sumunod ang ta­gisan ng Cagayan Valley at PLDT-MyDS sa alas-4.

Ang papalaring mga ko­ponan ang aabante sa se­mifinals.

Naghihintay na sa Final Four na gagawin sa Hulyo 28 sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City ang TMS-Philippine Army at  Cignal matapos pamu­nuan ang anim na kopo­nang liga na may ayuda ng Solar Sports, Mikasa at Asics sa 4-1 at 3-2 baraha.

Parehong may 3-2 karta din ang Lady Blaze Spi­kers at ang Lady Ri­sing Suns at pinapaboran sa Puffins at Speed Boos­ters na may  magkatulad na 1-4 baraha.

Matapos ang 3-0 pani­mula ay natalo ang Lady Ri­sing Suns sa huling da­lawang laro sa mga kamay ng Cignal at Petron para mabigo sa asam na diretsong umabante sa Final Four.

Aasahan naman ang pag­tutulungan nina Aiza Maizo-Pontillas, Ma. Angeli Tabaquero, Gretchen Ho, Fille Cainglet at Rhea Di­maculangan para wa­ka­­san na ang laban ng Puf­fins na kanila ring ti­nalo sa eliminasyon, 18-25, 25-21, 25-22, 25-16.

vuukle comment

AIZA MAIZO-PONTILLAS

ANGELI TABAQUERO

BINGO MILYONARYO

CAGAYAN VALLEY

CIGNAL

FINAL FOUR

LADY RI

PETRON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with