2 Pinoy pugs nadiskaril
ANNAM, Jordan – DaÂlawang pambato ng PLDT-ABAP ang nakalaÂsap ng kabiguan sa preliÂminary round ng 2013 Asian Elite Men’s Championships sa Amman BoÂxing Arena dito.
Bagamat naging maÂganda ang panalo ni bantamweight Mario FernanÂdez ng Cagayan de Oro sa first round kontra kay Kazakhstan national champion Kairat Yeraliyev, hindi naman niya ito napanatili sa sumunod na dalawang rounds.
Naging agresibo si YeÂraliyev, ang gold me-dal winner sa Korotkov MeÂmorial Tournment sa Khabarovsk, Russia, para makuha ang 29-28 panalo laban kay Fernandez.
Kagaya ni Fernandez, kabiguan din ang natikman ni Junel Cantancio sa maskuladong si Ardee Sailom ng Thailand via unanimous decision.
Si Sailom, isang two-time Olympian (Beijing 2008 at London 2012), ay tinalo ni Charly Suarez sa gold medal round ng 2009 Laos at 2011 Palembang SEA Games. Hindi nakasama si Suarez sa koponan dahil sa patuloy niyang pagsailalim sa therapy dahil sa isang torn shoulder ligament matapos ang kanyang kampanya sa Italia Thunder sa World Series of Boxing.
Ang tanging magdadala ng laban para sa Pilipinas sa nasabing torneo na sinalihan ng 27 Asian countries ay sina Asian Games gold medalist Rey Saludar na sasagupa kay Ongjunta Tanes ng Thailand at Rogen Ladon na haharapin naman si Kazakhstan bet Temertas Zhussupov.
- Latest