^

PM Sports

Pangasinense solong nanalo ng mahigit P178M sa 6/55

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na makakalimutan pa ng isang mananaya mula sa Pangasinan ang unang araw sa buwan ng Hulyo habang siya ay nabubuhay.

Sa araw na ito, nasama ang sinuwerteng tumatangkilik ng Grand Lotto sa hanay ng mga naging mega-millionaire ng Philippine Lotto.

Kumpletong nahulaan ng mananaya ang lumabas na kumbinasyon na 9, 12, 21, 35, 43, 54, noong Lunes para mapanalunan ang P178,849,233.20.

Noong Mayo 6 nagsimula ang paglago ng jackpot prize na nagsi-mula sa inisyal na jackpot prize na P30 milyon.

Lalabas na ikaanim na milyonaryo sa 6/55 ang sinuwerte sa P178M at kung may isang bagay na magkakatulad ang lahat ng pinalad, ito ay pawang solo-winners ang yumaman sa draw na ito sa 2013.

Ang dating pinakamalaking premyo ay P132,004,796.40 na nahuli noong Abril 20 habang ang iba pang jackpot prizes na nauwi na ay ang P30 milyon noong Mayo 4, P81,670,273.20 noong Pebrero 27, P40,940,528.40 noong Enero 23 at P94,226,263.20 noong Enero 5.

Balik sa P30 milyon ang paglalabanan mula sa araw na ito pero hindi malayong lumaki uli ito lalo pa’t marami ang nagkakainteres na itaya ang halagang P20 para ma-ging milyonaryo.

Ang  malaking prem-yo na paglalabanan ngayon ay sa 6/49 Super Lotto na sa huling draw noong Hunyo 30 ay nasa P53,500,248.00 na.

Balik sa inisyal na P9M at P6M ang labanan sa 6/45 MegaLotto at 6/42 Lotto matapos tamaan ang huling jackpot prizes na itinaya.

vuukle comment

ABRIL

BALIK

ENERO

GRAND LOTTO

HULYO

HUNYO

NOONG

NOONG MAYO

PHILIPPINE LOTTO

SUPER LOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with