Paul nakipagkasundo agad sa Clippers; Howard tatagal pa sa free agency market
MANILA, Philippines - Mabilis ang sagot ni Chris Paul.
‘’I’M IN!!!’’ aniya nitong Lunes sa kanyang Twitter.
Mananatili siya sa Clippers, ang mga dating talunan na tinulungan niyang maging division champion sa loob lamang ng dalawang seasons.
Samantala, kailangan pang mag-isip ng matagal ni Dwight Howard.
Nagbukas na ang free agency noong Lunes sa NBA kung saan nakatutok ang lahat sa dalawang Los Angeles All-Star players at mabilis namang nakipagkasundo si Paul.
Kinumpirma ni agent Leon Rose ang pananatili ni Paul sa Clippers na siya namang inaasahan matapos pumirma si Doc Rivers bilang kanilang bagong coach.
Babayaran ng Clippers ang two-time Olympic gold medalist ng tinata-yang $108 million sa limang taon.
Mas malaki pa rito ang kikitain ni Howard kung mananatili siya sa Lakers ngunit naghahanap pa rin siya ng mas malaking offer.
Nakipag-usap na siya sa Houston Rockets nitong Lunes at interesado rin ang Dallas Mavericks at Atlanta Hawks bagamat ilang beses nang sinabi ng Lakers na nais nilang manatili ito sa kanilang team.
Ang Rockets ang unang nag-offer kay Howard at kasama sina Hall of Famers Hakeem Olajuwon at Clyde Drexler na kumumbinsi sa kanya na makasama si All-Star James Harden sa team.
- Latest