^

PM Sports

Biktima ang Ateneo NU lumapa!

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng National University ang limang taong pangingibabaw sa kanila ng Ateneo sa pamamagitan ng 64-54 panalo sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang back-to-back MVP ng liga na si Bobby Ray Parks Jr. ay mayroong 22 puntos, 9 rebounds at 4 assists at 15 rito ay kanyang ibinagsak sa first half para bigyan ng 33-21 kalamangan ang Bulldogs.

Ngunit ang mahalagang buslo ng 6’4” kaliweteng shooter ay ang krusyal na tres na binitiwan matapos tapyasan ng Eagles ang 24 puntos kalamangan, 59-35, tungo sa 61-51 sa huling dalawang minuto.

Si Emmanuel Mbe ay nag-ambag ng 14 puntos at 15 rebounds habang si Dennice Villamor ay tumapos bitbit ang 13 puntos para sa Bulldogs na huling nanalo sa Blue Eagles noon pang Setyembre 15, 2007 bago lumasap ng 10 sunod na pagkatalo.

“This is a significant win dahil ang tagal na namin na hindi nananalo sa kanila. But Ateneo remains a formidable team,” wika ni NU coach Eric Altamirano na hindi ginamit si 6’8” Alfred Oroga habang kinukumpleto ang kanyang papeles.

Naramdaman ang pagkawala nina 7-footer Greg Slaughter, Nico Salva at Justin Chua, napilayan pa ang 5-time defending champion Blue Eagles sa pagkakaroon ng right ankle injury ni Kiefer Ravena.

Ipinasok naman siya ni Ateneo first year coach Bo Perasol pero wala sa tunay na kondisyon si Ravena at nagbigay lamang ng dalawang puntos sa 1-of-6 shooting sa walong minuto.

Dahil walang makuhanan ng puntos, nalimitahan ang Blue Eagles sa 35 puntos sa unang 35 minuto ng labanan.

Ang tres ni Villamor ang nagtala sa pinakama-laking kalamangan sa laro na 59-35 bago nakuha nina Nico Elorde at Juami Tiongson ang range sa 3-point line at nakapagpasok ng tig-dalawa upang tapusin ng Ateneo ang laro gamit ang 19-5 palitan.

Pinalawig naman ng host Adamson sa siyam ang pagpapanalo sa UP nang iuwi ang 79-67 tagumpay sa unang laro.

May 19 puntos si Jericho Cruz habang si Ingrid Sewa ay nagbuhos ng 11 sa kanyang 15 puntos sa ikatlong yugto na kung saan iniwan na ng Falcons ang Maroons, 60-49, para makasalo sa liderato ang UST at  FEU.

 

 

ALFRED OROGA

ATENEO

BLUE EAGLES

BO PERASOL

BOBBY RAY PARKS JR.

BUT ATENEO

DENNICE VILLAMOR

ERIC ALTAMIRANO

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with