^

PM Sports

NU ang team-to-beat

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung paniniwalaan ang haka-haka ng mga coaches sa UAAP, mawawala na sa trono ang Ateneo Blue Eagles.

Sa press conference para sa paglu-lunsad ng 76th UAAP men’s basketball kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, nagkaisang itinuro ng pitong coaches ang National University bilang siyang team-to-beat habang ang University of the East ang isa pang kontender.

Ibinase ng mga coaches ang prediksyon sa ipinakita ng Bulldogs at Red Warriors sa mga pre-season leagues na idinaos.

Tanggap naman ni Bulldogs mentor Eric Altamirano ang number one ranking na ibinibigay sa kanyang koponan na muling pangungunahan nina back-to-back MVP Bobby Parks Jr. at 6’8” Emmanuel Mbe at pinalakas ng pagpasok ng isa pang import na si 6’8” Alfred Oroga.

“We’re humbled and greatful for getting the tag as team-to-beat. Like what I told the boys, we have to embrace it. If there is a year where we can do it (mag-champion), this is the year,” wika ni Altamirano.

Bagama’t sila ang itinuturong ma-lakas, hindi naman mangangahulugan na kampante na sila sa mga larong haharapin dahil rerespetuhin nila ang lahat ng makakalaban.

Isa sa koponan na kinakabahan siya ay ang UST na pumangalawa sa Ateneo sa Season 75 at nanalo sa Champion’s League nang bawian ang Blue Eagles sa finals.

“Coach Eric, thank you dahil first time na nangyari na nabanggit kaming na number one. Yehey,” wika ni UST mentor Alfredo Jarencio na umani ng halakhakan sa mga dumalo.

“Basta ako, sigurado ako na box office kami this season. UST una sa takil-ya,” banat pa ni Jarencio na buo ang core players sa pamumuno nina Karim Abdul, Jeric Teng, Clark Bautista, Aljon Mariano at Kevin Ferrer.

Hindi napaboran ang Ateneo dahil bukod sa nawalan ng mga key players tulad nina Greg Slaughter at Nico Salva, wala na rin ang champion coach na si Norman Black dahil si Bo Perasol na ang didiskarte sa Eagles sa taong ito.

Tanggap naman ni Perasol ang sitwasyon lalo pa’t may mga problema sa kalusugan ang ilang manlalaro.

ALFRED OROGA

ALFREDO JARENCIO

ALJON MARIANO

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

BO PERASOL

BOBBY PARKS JR.

CLARK BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with