^

PM Sports

Bawal ang backpack bag sa victory parade ng Miami

Pang-masa

MIAMI -- Sinabi ng mga city officials na pagbabawalan nila ang mga fans na magdala ng backpacks sa gagawing championship parade ng Miami Heat nitong Lunes.

Humigit-kumulang sa 400,000 fans ang nakipagdiwang noong nakaraang season matapos makamit ng Heat ang 2012 title.

Matapos ang championship parade, magdaraos ang Heat ng isang event para sa season-ticket holders sa home arena kung saan magtatapos ang parada.

Sa ilang major events, pinagbawalan ang mga fans na magdala ng backpacks o bags matapos ang nangyaring pagsabog sa Boston Marathon noong Abril.

Ang ilan sa mga events na ito ay ang Penn Relays at Triple Crown races.

Inihayag kamakailan ng NFL na hindi nila papayagan ang backpacks sa kanilang mga stadiums sa darating na season.

vuukle comment

ABRIL

BOSTON MARATHON

HUMIGIT

INIHAYAG

MATAPOS

MIAMI HEAT

PENN RELAYS

SINABI

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with