Tinanggalan ng tubig ang tuhod ni Wade
MIAMI – Inalisan ng tubig ang kaliwang tuhod ni Dwyane Wade isang araw bago ang Game 7 ng NBA Finals at sumailalim sa halos walong oras na game-day therapy para makalaro sa nasabing title-clinching win para sa Miami Heat.
Sinabi ni Wade sa The Associated Press na namamaga ang kanyang kaliwang tuhod “like a coconut’’ matapos makabanggaan si San Antonio guard Manu Ginobili sa Game 6 ng finals.
Ito ay inalisan ng tubig sa sumunod na araw, ngunit namamaga pa rin nang gumising siya kinaumagahan sa araw mismo ng Game 7.
Naglaro si Wade ng halos 40 minuto sa Game 7 kung saan siya umiskor ng 23 points.
Sinabi rin ni Wade na tumanggap siya ng platelet-rich plasma therapy sa dulo ng regular season para sa kanyang bone bruises sa kanang tuhod.
- Latest