^

PM Sports

Rios nangakong magbibigay ng magandang laban vs Pacquiao

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang maaksyon at madugong laban ang ipinangako ni Mexican-American Brandon ‘Bam Bam’ Rios para sa kanilang non-title, welterweight fight ni Manny Pacquiao sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.

“All out war, it’s gonna be an all out war,” wika ni Rios sa panayam ng On The Ropes Boxing Radio.

Ito ang unang pag-akyat sa boxing ring ng Filipino world eight-division champion na si Pacquiao matapos matalo kina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez noong nakaraang taon.

At inaasahan ng 27-anyos na si Rios na magpapakitang-gilas ang 34-anyos na si Pacquiao sa kanilang banggaan.

Hindi pa sinisimulan ni Pacquiao, nakamit ang kanyang ikalawang sunod na termino bilang Congressman ng Sarangani sa nakaraang eleksyon noong Mayo, ang kanyang pagpapakondisyon.

Inumpisahan naman ni Rios ang kanyang pakikipag-sparring kay Marcos Maidana noong Marso.

 

vuukle comment

BAM BAM

INUMPISAHAN

ISANG

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARCOS MAIDANA

MEXICAN-AMERICAN BRANDON

ON THE ROPES BOXING RADIO

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with