^

PM Sports

Beermen lalapit sa korona

ATan - Pang-masa

LARO NGAYON

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

3 p.m. San Miguel Beer vs Indonesia Warriors

 

MANILA, Philippines - Uusad pa ang San Mi­guel Beer sa planong ba­wian ang Indonesia War­riors sa pag-asinta muli ng panalo sa Game Two sa ASEAN Basketball League Finals ngayong ha­pon sa Ynares Sports Are­na sa Pasig City.

Mataas ang morale ng tropa ni coach Leo Austria na haharap sa Warriors sa alas-3 ng hapon na labanan matapos kunin ang 75-70 panalo sa Game One sa kanilang best-of-five championship series no­ong Biyernes ng gabi sa nasabing venue.

“Pinagtuunan namin ang depensa dahil ito na­man ang talagang na­ka­tulong sa amin para ma­karating ng Finals. Ito pa rin ang dapat naming ga­win,” wika ni Austria.

Si Asi Taulava ang na­nguna sa Beermen sa kan­yang 24 puntos at 10 re­bounds pero gumana rin ang mga inaasahang ka­ma­dor na sina Chris Banchero, Val Acuña at Leo Ave­nido na nagtala ng 15, 13 at 12 puntos, ayon sa pag­kakasunod.

Nakatulong din si Acu­­ña sa kinuhang 24-8 pa­­litan sa bench points ng Beer­men at Warriors.

“You can’t take anything away from the Warriors because they are the de­fending champions. They will come back in the next game,” babala ni Taulava.

Dahil dito, nananalig si Austria na mananati­ling na­katuon ang kanyang mga manlalaro sa na­kaumang na panalo pa­ra magkaroon ng sapat na puhunan bago lumipat ang serye sa Jakarta para sa Games Three at Four.

Hindi naman natitinag si Warriors coach Todd Purves sa pagkatalo dahil naniniwala siyang kayang bumangon ang kanyang mga bataan.

“We treat games se­perately and we will try our best to win this game,” wika ni Purves na no­ong nakaraang taon ay bu­mangon mula sa 0-1 deficit at ipinanalo ang su­nod na dalawang laro pa­ra kunin ang titulo sa Beer­men.

Si Steve Thomas na may­roong 20 puntos at 17 boards at Chris Daniels na naghatid ng 14 puntos, 7 rebounds, 4 assists at 4 steals, ang muling kaka­mada para sa bisitang koponan.

Ngunit dapat na mas maging maganda ang ipakikitang laro ng ka­ni­lang guards para manalo.

May 15 at 13 puntos si­na Stanley Pringle at Ma­rio Wuysang pero tatlong assists lamang ang ka­nilang pinagsaluhan.

Ang dalawa pang ma­titinik na guards na si­na Jerick Cañada at JR Smith ay malamig matapos magtambal sa 2-of-15 shooting, kasama ang 0-of-6 sa 3-point line.

 

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE FINALS

CHRIS BANCHERO

CHRIS DANIELS

GAME ONE

GAME TWO

GAMES THREE

PASIG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with