^

PM Sports

Mararamdaman na ang racing holiday

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gumana na ang racing holiday na itinutulak ng tatlong malalaking horse owners organizations nang kanselahin ang mga takbo na dapat gawin ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic,Cavite.

Natuloy ang karera sa racetrack na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) kagabi ngunit napilitan na kanselahin ang para ngayong gabi  nang hindi makabuo ng programa.

Sinikap ng PRCI na ilipat sa Manila Jockey Club ang pista ngunit hanggang apat lamang ang kayang buuing programa ng racing club sa San Lazaro Leisure Park para isantabi na rin ito.

Sa isang pulong-pambalitaan noong Lunes ng gabi sa Club Filipino sa Greenhills  na ipinatawag ng mga opisyales ng MARHO, Philtobo at Klub Don Juan na kilala rin bilang “Tri-Org”, sinabi nilang magkakaepekto ang racing holiday dahil lahat ng kanilang mga kasapi ay nagkakaisa sa hangaring pababain na sa puwesto ang mga nakaluklok  sa Philippine Racing Commission (Philracom).

“The Philracom has focused on  micro-managing racing operations rather than dealing with the broader and critical issues that impact the overall health and growth of the racing industry,” wika ni MARHO pre-sident Eric Tagle.

Bukod sa pagbagsak ng sales, kinukuwestiyon din ng Tri-Org ang patuloy na implementasyon ng Philracom ng 3-percent na ibinabawas sa winning prizes nila na ibinibigay sa Trainers’ Fund.

Nagkaroon ng mga karera noong Martes sa Manila Jockey Club at kahapon sa Santa Ana Park ngunit ito ay dahil sa mga independent horse owners at ibang kasapi ng Tri-Org na hindi pa alam kung kailan sisi-mulan ang racing holiday.

“Lahat kami ay magsasakripisyo. Mahal ang mag-maintain ng kabayo at lalong mahirap kung walang karerang sinasalihan para pagkuhanan ng premyo para kahit pagkain man lamang ng mga kabayo ay aming matustusan. Pero gagawin namin ang racing holiday para maiparating sa Malacañang ang aming karaingan.

Isang liham na ang naipadala ng Tri-Org para kay Pangulong Benigno Aquino III at hinihiling nila na alisin ang lahat ng opisyales ng Philracom.

Samantala, pangungunahan ng premyadong kabayo ng 2012 na Hagdang Bato ang pitong kabayo pero anim ang opisyal na bilang, na magsasagupa sa PCSO Silver Cup na hindi pa sigurado kung ilalarga sa Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Jonathan Hernandez ang hineteng didiskarte sa Hagdang Bato na tatakbo kasama ang coupled entry na Barkley na hawak ni Val Dilema.

CAVITE

CLUB FILIPINO

ERIC TAGLE

HAGDANG BATO

KLUB DON JUAN

MANILA JOCKEY CLUB

PHILRACOM

RACING

SANTA ANA PARK

TRI-ORG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with