^

PM Sports

Tatlo na lang ang pinagpipiliang coach ng Bucks

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pababalikin ng Milwaukee Bucks ang tatlong kandidato para kapanayamin sa ikalawang pagkakataon ukol sa kanilang paghahanap ng bagong head coach, sabi ng league sources sa Yahoo! Sports.

Muling makikipagkita sina Atlanta Hawks coach Larry Drew, Houston Rockets assistant Kelvin Sampson at Los Angeles Lakers assistant Steve Clifford sa mga Bucks officials ngayong linggo sa Milwaukee, ayon sa sources.

Magtutungo si Clifford sa Milwaukee sa Martes kasunod sina Sampson at Drew sa Miyerkules, dagdag pa ng sources.

Matagal nang kilala ni Bucks general manager John Hammond si Sampson na dalawang taong naging assistant ni coach Scott Skiles ngunit tila mas napupusuan nito si Clifford ayon sa sources.

Si Clifford ay inirekomenda ng mga dating coach na inirerespeto ni Hammond na sina Tom Thibodeau ng Chicago at Jeff Van Gundy.

Sa kanyang dalawang taon sa Houston, naging mahusay na coach si Sampson.

Gumanda ang kampanya ng Rockets sa kanyang liderato bilang interim coach nang iwanan ni Kevin McHale ang koponan ng ilang linggo.

Sa tatlong seasons sa Atlanta, nagtala si Drew ng 128-102 record.

Umabante ang Hawks sa playoffs sa loob ng tatlong taon, kasama dito ang conference semifinals noong 2010-11.

Matatapos ang kontrata ni Drew sa Hunyo 30.

Naghahanap ang Atlanta ng bagong coach at pinayagan na siyang maghanap ng trabaho.

 Habang matunog ang mga pangalan nina Sampson at Clifford sa Charlotte, parehong gusto ng dalawa na mag-coach sa Bucks, ayon sa league sources.

 

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

CLIFFORD

COACH

HOUSTON ROCKETS

JEFF VAN GUNDY

JOHN HAMMOND

KELVIN SAMPSON

LOS ANGELES LAKERS

MILWAUKEE BUCKS

SAMPSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with