Dugo's Paramour nakahagip ng panalo
MANILA, Philippines - Nakahagip din ng panalo ang Dugo’s Para-mour nang makasilat sa NHG-HR-7 noong Sabado sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Dar De Ocampo ang pinaggabay sa kabayo na napatawan din ng magaan na 51-kilos handicap weight sa 1,200-metro karera at tila nakabuti ito dahil nakumpleto ng tambalan ang malakas na pagda-ting sa meta.
Bago ito ay nalagay ang kabayo sa pang-anim na puwesto sa unang takbo noong Mayo 4 bago pumangatlo noong Mayo 10 at ang panalo ang kumumpleto sa magandang pag-angat ng kabayo.
Pumangalawa lamang ang Be Nice na mas pinaboran sa pagdadala ni Roderick Hipolito upang magkaroon ng magandang kampanya ang unang takbo ng kabayo sa nasabing buwan.
Lumabas bilang pina-ka-dehadong kabayo ang Dugo’s Paramour sa pista na pag-aari ng Phi-lippine Racing Club Inc. nang makapaghatid ito ng P36.00 sa win habang ang forecast na 4-5 ay may P219.00 dibidendo.
Ang Be Cool na paborito sa pagdadala ni Jessie Guce ay pumangatlo lamang sa datingan.
Lumabas bilang patok na kabayo sa hapong ito ay ang Niagara Boogie sa pagdadala ni JB Bacaycay sa 3YO-NHG-HR-2 sa 1,200-metro distansya.
Ikalawang panalo ito ng tambalan sa apat na takbo sa buwan ng Mayo at hinigitan ang pangalawang puwestong pagtatapos noong Mayo 19 sa nasabing race track.
Hindi umubra ang laban na ipinakita ng Standing Strong ni Guce para mabigo na sundan ang panalong naibigay ni Pat Dilema noong Mayo 12.
May P5.00 ang ipinasok sa win habang P27.50 ang ibinigay sa 5-6 forecast.
Nasundan naman ng Hot Momma ang panalong nakuha sa huling takbo matapos daigin ang hamon ng Handsome Hunk sa 3YO-NHG-HR1 race eight.
Si Christian Garganta ang hinete sa ikalawang sunod na pagkakataon ng kabayo at napantayan niya ang ibinigay na pa-nalo sa Hot Momma noong Mayo 19.
Dikit-dikit pa ang benta kaya nasa P23.50 pa ang ibinigay sa win habang P122.00 ang dibidendo sa 5-8 forecast.
- Latest