^

PM Sports

Durant magdo-donate ng $1M para sa mga biktima ng buhawi

Pang-masa

MINNEAPOLIS -- Hindi lamang sa Oklahoma City nakatira si Thunder star Kevin Durant.

Ito rin ang kanyang tahanan.

Nakita niya ang mga nakahihilakbot na imahe sa pagsagasa ng buhawi noong Lunes sa suburban Moore.

Emosyunal ang mga tao at nanga-ngailangan ng tulong.

Nangako si Durant noong Martes na magbibigay ng $1 milyon para sa tornado relief sa pamamagitan ng kanyang foundation para makatulong sa mga nasalanta.

“As the day went on and I saw the footage and the casualties and the houses being blown away, it was tough to see,’’ sabi ni Durant, nasa Minneapolis para panoorin ang kanyang kaibigang si Monica Wright sa isang preseason game ng Minnesota Lynx.

“I call Oklahoma City my home. I go through Moore all the time. It’s unfortunate. We’re going to come together as a city like we always do and we’re going to bounce back,” ani Durant.

Limang taon na ngayong naninirahan si Durant sa Oklahoma City sapul nang lumipat ang Seattle SuperSonics noong 2008.

Naging popular siya sa komunidad bukod pa sa pagiging isa sa pinakamahuhusay na players sa NBA.

Umaasa siyang makakauwi sa Miyerkules para palakasin ang loob ng mga nasalanta ng buhawi.

“Just to get to the hospital, see some kids,’’ wika ni Durant. ‘’Something. Just something to give some hope. Playing for the Thunder, we mean so much to the state. So many people support us and I just want to go back and support those people.’’

Sinabi ng American Red Cross na ang regalo ng foundation ni Durant ay para tumbasan ang mga donasyon at maging insentibo para magbigay pa ang ibang tao.

Inihayag din ng Thunder na magbibigay sila ng isang $1 million donation kagaya ng NBA at players’ union.

“Our hearts go out to all those affected by the devastation that has occurred within our community this week,’’ wika ni Thunder chairman Clay Bennett sa isang statement.

AMERICAN RED CROSS

CLAY BENNETT

DURANT

EMOSYUNAL

INIHAYAG

KEVIN DURANT

MINNESOTA LYNX

MONICA WRIGHT

OKLAHOMA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with