Pirmado na ang deal na ibenta ang Kings
SACRAMENTO, Calif. – Inihayag ni Sacramento Mayor Kevin Johnson sa mga naghihiyawang Kings fans noong Biyernes na ang kasunduan na ibenta ang NBA franchise sa grupong pinangungunahan ni software tycoon Vivek Ranadive ay napirmahan na.
Ang announcement sa City Hall rally ang tumapos sa halos limang buwang pagmamaniobra ni Johnson para makuha ang Kings, matapos kumbinsihin ang council na magtayo ng bagong arena at ipakita sa NBA na ang capitol city na pinakamalaki ang populasyon sa US ay may malaking fan para maging matagumpay ang koponan.
“This was one heck of a comeback,’’ sabi ni Johnson, dating NBA All-Star sa stage na kasama ang dalawang dosenang investors, fans at mga pulitiko na nagtulung-tulong para manatili ang prangkisa sa lungsod.
Sa kaagahan ng linggong ito, ni-reject ng NBA owners ang isang panukalang ilipat ang prangkisa sa Seattle. Nabalewala ang pakikipagkasundo ng investor na si Chris Hansen sa Maloof family para ilipat ang prangkisa sa Pacific Northwest. Dinagdagan pa niya sa katunayan ang kanyang offer nang magparamdam ang NBA na ayaw nilang i-relocate ang team.
- Latest