SMBeermen nakalusot sa Dragons sa tatlong overtime
MANILA, Philippines - Naipamalas ng San Miguel Beer ang maÂÂsidhing hangarin na manalo nang maÂÂnaig sa Westports Malaysia Dragons, 107-104, sa larong umabot sa tatlong overÂÂtime noong Biyernes sa ASEAN BasÂÂketball League (ABL) na ginawa sa MAÂBA Gym sa Malaysia.
Pinaluha ni Leo Avenido ang mga paÂÂnatiko ng Dragons nang siya ang nagÂsilÂbing tinik sa hinangad na panalo ng home team upang wakasan ng Beermen ang kampanya sa eliminasyon bitbit ang 16-sunod na panalo at 19-3 baraha sa kaÂbuÂuan.
Tumapos na bitbit ang 22 puntos, si AveÂÂÂnido ang bumasag sa huling tabla sa 104-104 nang maipasok ang mahirap na floater laban sa depensa ni Julius Armon.
Bago ito, ang MVP noong nakaraang taon na si Avenido ang nagpatabla sa reÂgulation, 79-all, sa isang lay-up baÂgo muÂling pinantayan ang iskor ng DraÂgons sa 88-all sa krusyal na tres sa unang overtime.
May 22 puntos at 23 rebounds si Brian Williams, habang si Paolo HuÂbalde ay nagdagdag ng 18 puntos para sa Beermen na tila handang-handa na paÂra sa best-of-five semifinals series laban sa No. 4 team na Sports Rev Thailand SlamÂmers.
“U make us proud. 16 straight wins is special in any ‘language’. Last win is proof of ur unbreakable character,†tweet ni SMC sports director Noli Eala.
Kasabay nito ay ipinaalala rin ni Eala na hindi pa dapat makuntento ang kopoÂnan dahil hindi pa tapos ang kanilang misÂyon.
May 28 puntos at 14 rebounds si GaÂÂvin Edwards, habang 27 ang hatid ni ArÂÂmon para sa Dragons na wawakasan ang laro sa elims ngayon laban sa Saigon Heat.
Nais ng Dragons na manalo sa laÂrong ito para pataasin pa ang kanilang moÂrale sa pagharap sa nagdedepensang InÂÂdonesia Warriors sa semifinal round ng torneo.
- Latest