^

PM Sports

Sinu-sino ang mga kabayong maglalaban para sa 1st leg ng Philracom Triple Crown Series?

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinasasabikan nga-yon ang talaan ng mga kabayong maglalaban-laban sa unang leg ng 2013 Philracom Triple Crown Championships.

Ang unang yugto ang gagawin sa Mayo 18 sa bagong race track na Metro Turf Club sa Malvar, Batangas at mahalaga ang makukuhang panalo ng mga magsisilahok dahil ang kabayong papalarin na mangibabaw sa 1,600-m distansyang karera ang bukod-tanging kabayo na may kakayahang walisin ang tatlong yugtong karera.

Kahapon ang araw para magnombra ang mga horse owners ng kanilang mga panlaban habang ang official declaration ay gagawin sa Mayo 13.

Inaasahang magi-ging kapana-panabik ang tagisan sa prestihiyosong karera para sa mga edad tatlong taong gulang na mga kabayo dahil sa dami ng mga mananakbo na kuminang na sa mga naunang karera, kabilang na ang mga pinaglabanang stakes races.

Kasama sa mga inaa-sahang magpapatala ay ang mahuhusay na kabayo na nasa bakuran ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na El Libertador at Cat’s Silver na mga stakes race winners na rin.

Ang Be Humble na nanalo sa Philracom Chairman’s Cup ang ipinalalagay na isa sa mga magiging paborito sa Triple Crown kung maisasali habang ang iba pang panlaban ay ang Alta’s Finest, Hot And Spicy, Pantukan, Boss Jaden at Mrs. Teapot.

May tagisan din sa Philracom Hopeful Stakes race na unang itatakbo sa Mayo 18 at ito ay sinahugan ng P1 milyong premyo at ang mananalo sa isang milyang karera ay magkakamit ng P600,000.00 gantimpala.

Ang tampok na karera ay nilagyan ng P3 milyon ng nagtataguyod na Philippine Racing Commission (Philracom) at ang mapa-lad na mananalo ay maghahatid ng P1.8 milyon sa kanyang connections.

Sakaling may makawalis sa tatlong yugtong karera, may bonus na P500,000.00 ang makakamit ng winning horse owner at ang kabayong makakagawa nito ay tiyak na maililinya para sa Horse of the Year title.

Bukod sa maraming mahuhusay na 3-year old horses, ang Triple Crown ay paglalabanan din sa tatlong magkakaibang race track na magpapatingkad sa tagisan.

Ang second leg ay sa Hunyo 15 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa 1,800-metro habang ang ikatlo at huling leg ay sa Hulyo 13 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa mas mahirap na 2,000-metro.

ANG BE HUMBLE

BOSS JADEN

CAVITE

EL LIBERTADOR

HORSE OF THE YEAR

HOT AND SPICY

KARERA

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with