^

PM Sports

Yao Ming masugid pa ring sinusubaybayan ang NBA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang taon matapos magretiro, nananatili pa ring nakasubaybay si Chinese basketball star Yao Ming sa NBA.

Hindi nagkamali ang 7-foot-’6 na si  Yao, lumaro ng nine seasons sa Houston Rockets bago nagretiro da­hil sa iba’t ibang injuries, nang sabihin niyang si Le­Bron James ng Miami Heat ang  pinakamahusay na pla­yer sa planeta ngayon.

“There are so many good players in the NBA today. But the best player now is LeBron James,” sabi ni Yao kahapon matapos dumating sa bansa kama-ka­lawa para sa three-day Philippine-China Friendship Games tampok ang dalawang exhibition games kontra sa Smart Gilas Pilipinas 2.0  kagabi at sa PBA selection team ngayon.

Isang araw matapos sabihin  ito ni Yao, tinanghal si James bilang season MVP  ng NBA at isang boto lang ang nakawala para sa kanyang unanimous win.

Hinulaan ni Yao, may-ari ng Sharks na kumakala­ban sa Gilas habang sinusulat ang balitang ito sa MOA Arena  kagabi bago sagupain ang PBA all-star squad ngayong gabi sa Smart-Araneta Coliseum, na ang Miami Heat at San Antonio Spurs ang magtatapat sa NBA Finals.

“I personally think San Antonio will win it in the Western Conference and Miami in the East,” sabi ni Yao.

Sino ang magiging NBA champion?

Sagot ni Yao, “I guess we have to flip a coin.”

Ukol naman sa karibal ng kanyang koponang Houston sinabi ni Yao na, “It will be tough for Lakers to rebuild their team because of the loss of their owner Mr. (Jerry) Buss. On the court and off the court, it will be hard.”

Sa posibilidad na kunin ni Yao sa kanyang pagma­may-aring Shanghai Sharks team si Allen Iverson na nag­hihirap ngayon, sinabi niyang bukas siya para kunin ang dating NBA superstar.

 

ALLEN IVERSON

BRON JAMES

HOUSTON ROCKETS

MIAMI HEAT

PHILIPPINE-CHINA FRIENDSHIP GAMES

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

YAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with