Ellis babanderahan ang Slam Dunk event
DIGOS CITY, Philippines– PipiÂlitin ni rookie Chris Ellis at Elmer Espiritu na maÂpanatili sa Barangay GiÂnebra ang kampeonato sa Slam Dunk Contest na isa sa mga Skills events ng PBA All-Star Week at magaganap sa kapitolÂyong siyudad na ito ng DaÂvao del Sur.
Magsisimula sa ganap na alas-5 ng hapon sa Sports, Cultural at Business Center ng Davao del Sur, ang Slam Dunk ConÂtest, kung saan si Ellis ang paboÂritong manalo, ay susunod sa Obstacle ChalÂlenge at Three-Point Shootout at itatanghal baÂgo ang laro ng Greats vs Stalwarts.
“I gotta try and live up to expectations,†pahayag ni Ellis tungkol sa isa sa mga pinaka-inaabangang event ng PBA All-Star Week kung saan bukod kay Espiritu ay makakalaban niya ang mga kapwa rookies na sina CalÂvin Abueva ng Alaska at Cliff Hodge ng MeÂralco at si Arwind Santos ng Petron Blaze.
Si KG Canaleta, habang nasa kampo pa ng GiÂnebra at bago na-trade sa Air21, ang nagwagi ng kanyang pang-limang Slam Dunk title noong isang taon sa Laoag, ay hinÂdi sumali ngayon.
Ang 6-foot-4 na si ElÂlis, ilang beses nang nangmaÂmangha ng mga fans sa kanyang mga dunks sa fastbreaks sa mga laro at warm-up round-robins ng Kings, ay maglalaro din sa ObsÂtacle Challenge at bilang starÂter ng PBA All-Star seÂlection na lalaban sa GiÂlas PiÂlipinas sa Linggo sa taunang All-Star Game na magtatapos ng All-Star Week.
Hangad naman pareho nina Mark Macapagal at JoÂnas Villanueva ng BaÂrako Bull ang kanilang pang-apat na sunod na koÂrona sa Three-Point Shootout at ObsÂtacle ChalÂlenge skills events.
Ang mga susubok umaÂgaw sa korona ni MaÂcapagal sa Three-Point Shootout ay sina Canaleta, James Yap ng San Mig Coffee, Josh Urbiztondo ng Ginebra, Marcio Lassiter ng Petron Blaze, Willie Miller ng Globalport, JVee Casio ng Alaska at rookie Chris Tiu ng Rain or Shine.
Bukod kay Ellis, ang mga makakalaban naman ni VilÂlanueva sa Obstacle Challenge ay sina Casio, MilÂler, Hodge, Paul Lee ng Rain or Shine, Mark BarÂroca ng San Mig Coffee, Ronald Tubid ng Petron Blaze, Pamboy Raymundo ng Talk ‘N Text at rookie Simon Atkins ng Air21.
Ang mga kakatawan paÂra sa PBA Greats vs StalÂwarts Game ay sina TuÂbid, Tiu, Miller, MaÂcaÂpagal, JC Intal ng BaÂrako Bull, Jervy Cruz ng Rain or Shine, AlasÂka team manager DicÂkie BachÂmann at mga dating plaÂyers na sina Kenneth DuÂremdes, Bong Ravena, ToÂpex RoÂbinson at Benjie PaÂras paÂra sa Stalwarts; at sina Mike Cortez ng Air21, UrÂbiztondo, Peter June SiÂmon at Joe DeÂvance ng San Mig Coffee at daÂting players na sina NoÂli LocÂsin, Johnedel CarÂdel, RodÂney Santos, Vince HiÂzon, Jerry CodiÂñeÂra at Bong Hawkins paÂra sa Greats.
Dahil 10 players lamang ang Greats, maaaÂring maglaro para sa kaÂÂnila si boxing legend ManÂÂny Pacquiao na gustong maglaro.
Pero hanggang kahaÂpon ay hinÂdi pa tumataÂwag sa PBA ukol sa kanyang paglalaro.
- Latest