Talk ‘N text tumabla Nakabawi sa Gin Kings, 85-79
MANILA, Philippines - Isang three-pointer ni Ranidel de Ocampo may 33.7 segundo na lamang ang natitira sa laro ang nagbigay ng panigurong kalamangan sa Talk ‘N Text tungo sa 85-79 na panalo sa Barangay Ginebra kagabi sa Smart Araneta Coliseum nagtabla sa kanilang best-of-five semifinal series sa Cebuana Lhuillier playoffs ng PBA Commissioner’s Cup sa tig-isang laro.
Bago ang tres ni De Ocampo na nagbigay sa Tropang Texters ng 83-79 bentahe ay wala pang ibang player na nakasyut ng triple bukod kay Jimmy Alapag mula pa sa Game 1 at pinagsamang 0-of-22 ang iba pang players ng TNT.
Pero ayon kay head coach Norman Black ay depensa ang nagpanalo sa kanila kagabi pagkatapos matambakan ng husto sa Game 1, 104-81.
“I’m very happy we decided to play defense tonight. We came out with more intensity, more focus especially on defense,†pahayag ni Black na malamang ay tinukoy ang 79 puntos lang ng Kings, mas mababa ng 25 sa iniskor nila sa Game 1.
Sa harap ng 17,272 fans, na-outscore rin ng Tropang Texters ang Ginebra, 26-11 sa fourth quarter pagkatapos nadehado sa 68-59 matapos ang tatlong periods.
- Latest