J.R. Smith hinirang na Sixth Man of the Year
GREENBURGH, N.Y. -- Nakamit ni J.R. Smith ang NBA Sixth Man of the Year award, ang trabaho na noong una ay ayaw niyang tanggapin para sa New York Knicks.
Tumanggap si Smith ng 484 points, kasama dito ang 72 first-place votes, mula sa panel ng 121 writers at broadcasters.
Sumegunda naman si Los Angeles Clippers’ Jamal Crawford na humakot ng 352 points kasama ang 31 first-place votes.
Nagtatala si Smith ng average na 18.1 points sa 80 laÂro mula sa bench.
Umiskor si Smith ng 20 points sa kanyang 29 laro bilang isang reserve player.
- Latest