^

PM Sports

Clippers 2-0 sa Grizzlies; Bulls nakatabla sa Nets

Pang-masa

LOS ANGELES -- Tu­mipa si Chris Paul ng isang running jumper sa na­titirang 0.1 segundo pa­ra itakas ang Los Angeles Clippers sa 93-91 panalo la­ban sa Memphis Grizzlies at iposte ang 2-0 abante sa kanilang first-round playoff series.

Hinintay pa ng Clippers at Grizzlies ang opis­yal na desisyon ng mga re­ferees bago lisanin ang court.

Naglista si Paul ng 24 points at 9 assists, habang nagdagdag si Blake Grif­fin ng 21 points at 8 re­bounds kasunod ang 15 points ni Jamal Crawford.

Natalo si Crawford kay J.R. Smith ng New York Knicks para sa NBA Sixth Man of the Year award.

Ang dunk ni Marc Gasol ang nagtabla sa Grizzlies sa 91-91 sa natitirang 13 segundo.

Nilusutan naman ni Paul ang depensa ni Tony Al­len para sa kanyang game-winner.

Sa New York, bina­wian ng Chicago Bulls ang Brooklyn Nets mula sa kanilang 90-82 panalo sa Game 2 para itabla sa 1-1 ang kanilang playoff se­ries.

Naglista si Carlos Bo­ozer ng 13 points at 12 re­bounds, habang nag-am­bag si Luol Deng ng 15 points at 10 boards para sa Bulls, hindi pa rin nagagamit si Derrick Rose.

BLAKE GRIF

BROOKLYN NETS

CARLOS BO

CHICAGO BULLS

CHRIS PAUL

DERRICK ROSE

JAMAL CRAWFORD

LOS ANGELES CLIPPERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with