^

PM Sports

Nadale si Kobe

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung kailan naghahabol ang Los Angeles Lakers sa huling playoff spot sa  West, nagka-injury pa si longtime franchise icon Kobe Bryant.

Sa dalawang laro sa kaagahan ng linggong ito, nagdomina si  Kobe para ihatid sa  tagumpay ang team.

Humataw siya sa fourth quarter kontra sa New Orleans noong Martes at umiskor ng season-high na 47-puntos kontra sa Portland makalipas ang isang araw.

Tulad ng dati, ginagawa niya ang lahat para ipanalo ang team.

Nitong Biyernes ng gabi kontra sa Golden State, nagpuwersa ng husto si Bryant tungo sa 118-116 panalo na nagresulta sa isang injury na posibleng pinakamalalang injury na kanyang natamo sa kanyang career.

May 42 segundo na lang ang natitira sa laro at lamang ang Lakers sa 117-116, na-foul si Bryant ni Warriors wingman Klay Thompson habang pa-drive sa basket. Kitang-kita ng lahat na nasaktan ito. Nakatira pa siya ng dalawang free throws at matapos ito ay marahang naglakad patungo sa locker room para sa treatment.

Pagkatapos ng laro, sinabi ng pamunuan ng La-kers na tila seryoso ang injury. Hinihinalang  napunit ang kanyang  Achilles tendon na karaniwang isang taon ang rehabilitation.

vuukle comment

BRYANT

GOLDEN STATE

HINIHINALANG

HUMATAW

KITANG

KLAY THOMPSON

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

NEW ORLEANS

NITONG BIYERNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with