Filipino netters handa sa New Zealand sa Davis Cup
MANILA, Philippines - Ang pagiging eksÂperÂyensado ng mga manÂÂÂlaÂlaro at pagnanais na bigÂyan ng panalo ang PiÂÂliÂpinas ang mga panguÂnahing dahilan sa kung bakit nakaabot ang PhilipÂpine Davis Cup team sa fiÂnals sa Asia-OceaÂnia Zone Group II Tie.
Sa pagdalo ni non-plaÂying team captain Roland Kraut sa PSA Forum kahapon sa Shakey’s MalaÂte, binanggit niya na iba ang dedikasyon ng apat na manlalaro na bumuo sa koponan kaya’t nagawa nilang talunin ang Thailand na pinangunahan ng pinakamahusay na tennis player sa South East Asia na si Danai Udomchoke.
“We saw more from our players when they played against the Thais. They were more matured and deep down inside them, they really wanted to win,†wika ni Kraut sa PSA na dinaluhan din ng mga manlalarong sina RuÂben Gonzales at Johnny Arcilla.
Ang No. 1 player ng banÂsa na si Gonzales ang siyang nagbigay ng paÂnaÂlo sa host country sa seÂmifinals nang kanyang kaÂlusin si Udomchoke sa straight sets, 6-4, 6-3, 6-2, patungo sa ikatlong panaÂlo sa best-of-five series.
Sa panalong nakuha, ang Pilipinas ay makikiÂpagÂtuos sa New Zealand sa Setyembre 13 hanggang 15 para madetermina kung sino ang aabante sa Group I sa 2014.
Limang beses nang nagÂÂlaban ang dalawang banÂsa at kahit angat ang PiÂlipinas sa Kiwis sa 3-2 iskor, ang New Zealand ay umani ng 5-0 sweep noong 2011 sa kanilang bansa.
- Latest