^

PM Sports

Lim, Mendoza sibak din sa doubles

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maghihintay uli sa susunod na taon sina Alberto Lim at Jurence Mendoza para kuminang ang kanilang tambalan sa boys’ doubles.

Kinapos ang tangkang pagbangon ng dalawang pambato ng bansa nang  lasapin ang 6-7 (9), 6-1, 8-10, pagkatalo kina Sumit Nagal ng India at Trongcharoenchaikul ng Thailand sa opening round ng 24th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships boys’ doubles kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Unang pagkakataon na nagsama ang 16-anyos na si Mendoza at 13-an-yos na si Lim pero binigyan nila ng magandang laban ang katunggali na nagtambal din sa unang pagkakataon.

Namuro ang mga Pinoy na umabante sa second round nang hawakan ang 8-5 kalamangan sa super tie-break pero nanlamig ang laro nina Mendoza at Lim habang tumatag ang mga palo nina Nagal at Trongcharoenchaikul upang mamaalam na sa Grade I event.

Bago ito ay napatalsik na sina Mendoza at Lim sa boys’ singles at si Mendoza ay natalo kay French qualifier Alexandre Muller, 6-4, 3-6, 2-6, habang si Lim ay pinagpahinga ng 14th seed na si Duck Hee Lee ng Korea, 6-7 (5), 6-7 (3).

Nagpatuloy naman si Muller sa pag-usad sa singles at tinalo kahapon si Mehdi Abid ng Tunisia, 4-6, 6-1, 7-6 (3) habang si Lee ay tumaob sa top seed na si Borna Coric ng Croatia, 2-6, 1-6.

vuukle comment

ALBERTO LIM

ALEXANDRE MULLER

BORNA CORIC

DUCK HEE LEE

GRADE I

JURENCE MENDOZA

MEHDI ABID

MENDOZA

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL JUNIOR TENNIS CHAMPIONSHIPS

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with