PBA D-League Foundation Cup: Waves wagi sa OT
Laro Lunes (San Juan Arena)
12 p.m. – Fruitas vs Cebuana Lhuillier
2 p.m. – Hog’s Breath Café vs Big Chill
4 p.m. – Blackwater Sports vs Cagayan Valley
MANILA, Philippines - Sa pagkakataong ito ay nakitaan ng tikas ang Boracay Rum nang bumangon mula sa doble-pi-gurang pagkakalubog sa huling yugto ng laro tungo sa 93-85 pamamayagpag sa overtime laban sa Informatics sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nagtulung-tulong sina Roider Cabrera, Toto Bandaying at Jeff Viernes sa 8-0 bomba matapos huling itabla ni Jeric Teng ang iskor sa 83-all para tuluyang hawakan ang momentum sa laro.
Umangat ang Waves sa 1-1 at nakabangon na mula sa masakit na 66-68 pagkatalo sa Cebuana Lhuillier noong Martes..
Lumayo ang Icons sa 66-55 sa pagbubukas ng hu-ling yugto ngunit naghatid si Cabrera ng 11 sa kanyang nangungunang 28 puntos sa nasabing quarter.
Si Viernes ay may 14 puntos at si Bandaying ay nag-ambag ng 10, kasama ang panablang tres, 81-all, para umabot sa overtime ang laban.
Si Nate Matute at Teng ang nagdala sa laban ng Icons sa kanilang 25 at 20 puntos.
Kasama ng Waves na bumangon buhat sa pagka-talo sa opening day ay ang baguhang Jumbo Plastic na ginamit ang 26-9 run sa unang yugto tungo sa 81-55 tagumpay sa bagitong Hogs Breath Café.
Si Aljon Mariano ay gumawa ng 17 puntos habang sina Elliot Tan at Marvin Hayes ay nagdagdag ng 13 at 11. Ang beteranong si Hayes ay may nangu-ngunang anim na assists para bigyan ng liderato ang baguhang koponan.
“Excited sila sa first game pero ngayon ay nag-settle down na sila kaya nakapag-execute ng maayos,†wika ni Giants coach Stevenson Tiu.
Kinailangan naman ng Blackwater Sports ang magandang pagtutulungan ng apat niyang manla-laro para isantabi ang pinalakas na puwersa ng Café France, 86-80.
- Latest