^

PM Sports

NLEX bagsak sa Big Chill

AT - Pang-masa

Laro SA Huwebes

(Ynares Sports Arena,

 Pasig City)

12 p.m. – Café France

vs Blackwater Sports

2 p.m. – Jumbo Plastic

vs Hogs Breath

4 p.m. – Boracay Rum

vs Informatics

 

MANILA, Philippines - Nakitaan ng kakaibang katatagan ang Big Chill upang malusutan ang four-time defending champion na NLEX, 86-77, sa pagbubukas ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa San Juan Arena.

Nakitang nawala ang double-digits na kalamangan sa second period, sinandalan ng Superchargers ang pag-iinit ni Arvie Bringas sa overtime nang maghatid ito ng 12 sa kanyang 19 puntos nito.

Ang pinakamalaking buslo ni Bringas ay ang tres kasabay ng pagpapasabit kay Ronald Pascual. Pasok ang bonus free throw at ang tropa ni coach Robert Sison ay nagpakawala ng 10-0 bomba matapos hawakan sa huling pagkakataon ng Road Warriors ang kalamangan sa 77-76.

“It’s like winning the championship,” wika ni Sison sa naitalang panalo. “With this win, I expect the players to play with more confidence.”

Si Alex Nuyles ay mayroong 22 puntos para sa Superchargers na dapat ay nanalo sa regulation kung hindi sumablay ang ikalawang free throws ni Mac Montilla para magtabla sana sa regulation sa 73-all.

May 14 puntos sina Nico Salva at Eric Camson habang 12 ang ibinigay ni RR Garcia para sa  NLEX na hindi nagamit sa laro ang mga sentrong sina Ian Sangalang at Greg Slaughter.

Nakasalo sa Big Chill sa liderato sa 12 koponang liga ay ang Cebuana Lhuillier at Fruitas Shakers.

Sinandalan ng Gems ang magandang laro ng baguhang si Alvin Padilla tungo sa 68-66 panalo kontra sa Boracay Rum habang dinurog naman ng Shakers ang baguhang Jumbo Plastic, 81-56.

Tumapos si Padilla taglay ang 12 puntos, 6 rebounds, 5 assists at tig-isang steal at block habang ang isa pang baguhan na si Jerard Bautista ay may 10 puntos.

Ang mga guards na sina Anjo Caram at Carlo Lastimosa ay may 18 at 16 puntos habang ang sentrong si Russel Escoto ay naghatid ng 11 puntos at 11 rebounds para pamunuan ang Shakers.

vuukle comment

ALVIN PADILLA

ANJO CARAM

ARVIE BRINGAS

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CARLO LASTIMOSA

CEBUANA LHUILLIER

JUMBO PLASTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with