^

PM Sports

Knicks nalo kahit wala sina Carmelo at Stoudemire Denver wagi sa Minnesota

Pang-masa

NEW YORK – Umiskor si J.R. Smith ng24 points at hindi naging hadlang sa New York Knicks ang pagkawala nina Carmelo Anthony at Amare Stoudemire upang igupo ang Utah Jazz, 113-84 nitong Sabado ng gabi sa NBA.

Umaga bago ang laro, nalaman ng Knicks na oope-rahan si Stoudemire at matagal itong mawawala ngunit maraming off-the-bench scorers ang nag-step-up sa pangunguna ni Steve Novak na umiskor ng 20 points.

Nag-ambag si Alec Burks ng 14 points at si Gordon Hayward ay may 13 para sa Jazz na tinapos ang kanilang road game sa 0-4 road trip   para malaglag sa pakikipagtabla sa Los Angeles Lakers para sa ikawalo at final playoff spot sa Western Conference.

Lumaro ang Utah na wala si starting forward Paul Millsap dahil sa pamamaga ng kanang tuhod.

Sa Denver, pinarisan ni Ty Lawson ang kanyang season high na 32 points kabilang ang 14 sa fourth quarter para igupo ng Nuggets ang puro injury na Minnesota, 111-88 na humatak sa kanilang home winning streak sa 13 games, ang kanilang pinakamahaba sa loob ng 14 taon.

 

ALEC BURKS

AMARE STOUDEMIRE

CARMELO ANTHONY

GORDON HAYWARD

LOS ANGELES LAKERS

NEW YORK KNICKS

PAUL MILLSAP

SA DENVER

STEVE NOVAK

TY LAWSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with