Actor's Guild Racing Festival pakakawalan ngayon sa San Lazaro
MANILA, Philippines - Halagang P3.5 milyon mula sa pitong karera ang pagÂlalabanan sa araw na ito sa pagselebra ng Actor’s Guild Racing Festival na gagawin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Dalawang P500,000.00 na karera at limang P300,000.00 karera ang magpapasiklab sa 12 karerang mapapanood sa pista na mangyayari dahil sa suporÂta ng Klub Don Juan de Manila at ng nagtataguÂyod na racing club na Manila Jockey Club Inc. (MJCI).
Ang Rudy 'Daboy' Fernandez Memorial Cup at Sen. Ramon 'Agimat' Revilla Sr. ang mga karerang magÂbibigay ng kalahating-milyong premyo at ang mananalo ay magbibitbit ng P300,000.00 gantimpala.
Unang ilalarga ang Fernandez Cup bilang race 6 at paglalabanan ito sa 1,600-metrong distansya.
Siyam ang maglalaban-laban at walo rito ay mga imported horse mula Australia at ang manguÂnguna rito ay ang mahusay na kabayo ni Aristeo PuÂyat na Azkal na sakay ni Rodeo Fernandez.
Ang local horse ay ang 2011 Triple Crown leg winÂner Hari Ng Yambo na gagabayan ni JA Guce.
Ang iba pang kasali ay ang Born Tycoon, Crucis, BotÂbo, Sliotar, Indy Hay, Doña Nenita at Tritanic.
May 11 kabayo pero 10 ang opisyal na bilang ang kasali sa Revilla TroÂphy Race at ang mga inaasahang mapapaboran sa karera ay ang Salute To HeaÂven, Kornati Island at Yellow Soldier.
Ang mga P300,000.00 races ay ang Mayor Herbert Bautista Trophy Race, Cong. 'Oca' MalapiÂtan Trophy Race, Cong. 'Jack' Enrile Trophy Race, Gov. E.R. EjerÂcito Trophy Race at FerÂnando Poe Jr. Memorial Cup.
Apat pang karera ang binigyan ng karagdagang premyo sa mananalo na nasa P10,000.00 at P30,000.00 upang matiyak na magiging mahigÂpiÂtan din ang tagisan ng mga sasalihing kabayo.
- Latest