Boston binalak dalhin si Pierce sa Dallas para kay Smith
BOSTON --- Bago matapos ang trade deadline, nagkaroon ang Boston Celtics ng pagkakataon para palakasin ang kanilang kampanya.
Ito ay sa pamamagitan ng isang three-way deal na magdadala sa kanila kay Josh Smith mula sa Dallas kapalit ni Boston forward Paul Pierce.
Gusto naman ng Atlanta ang first-round draft pick ng Celtics.
Nagkaroon ng pag-uusap ang Celtics at ang MaveÂricks para makuha si Pierce kapalit ni Smith.
Gumawa ng magandang alok ang Dallas nang isaÂma sa trade sina Jae Crowder, Brandan Wright at Dahntay Jones papunta sa Atlanta.
Sa kabila nito, hindi pumayag ang Boston na tuluyan nang ikinamatay ng naturang three-way trade.
Alam naman ni Celtics coach Doc Rivers ang gustong mangyari ni general manager Danny Ainge para palakasin ang kanilang koponan.
Sa pagharap ng Hawks sa Celtics sa Boston, naipanalo ng Celtics ang 13 sa kanilang huling 17 laro sapul nang mawala si point guard Rajon Rondo ngaÂyong season dahil sa injury.
Naglakasan naman sina Pierce at Kevin Garnett kasama si Avery Bradley.
Sa kanilang 34-27 record, tangan ng Boston ang No. 7 seed sa Eastern Conference.
- Latest