Matira ang matibay sa Bulldogs at Tamaraws para sa titulo ng UAAP men’s volleyball
Laro ngayon (The Arena, San Juan City)
2 p.m. – NU vs FEU (Game 3, finals)
MANILA, Philippines - Sasandalan ng FEU ang malawak na championship experience habang ang pagkagutom na makatikim ng titulo ang inspirasyon ng National University.
Sa huling pagkakataon sa 75th season ay magkukrus ang landas ng Tamaraws at Bulldogs at ang mananalo ang siyang kikilalanin bilang kampeon ng UAAP men’s volleyball.
Mapapanood ang laro sa ganap na ika-2 ng hapon at tiyak na magiging mahigpitan ang tagisan dahil parehong determinado ang maglalaban.
Ika-26 titulo ang hanap ng Tamaraws habang kauna-unahan naman ang balak ng Bulldogs.
Nagkaroon ng Game 3 matapos hiritan ng FEU ang NU ng 25-23, 17-25, 25-20, 25-23, panalo noong nakaraang Sabado.
Iaasa ng Tamaraws ang laban kina Karl dela Calzada at Alexis Faytaren habang sina Peter Torres at Edwin Tolentino ang mamumuno sa Bulldogs.
Tanging sa men’s division na lamang ang naiwang pinaglalabanan matapos walisin ng La Salle ang Ateneo tungo sa women’s title.
- Latest